Recipes

Ginisang Ampalaya sa Giniling na Baboy

So heto na nga, try ko lang mag food blogging ahh. Para naman kahit paano ay mai-share ko yung mumunting talent ko sa pagluluto. Nyahaha. 😊

INGREDIENTS:

  • 1/4 kilo giniling na baboy
  • 1/2 kilo ampalaya
  • 7 pcs. kamatis
  • 5 cloves bawang
  • 1 pc. sibuyas na pula
  • 3 tbsp. mantika
  • 1/2 tsp. asin
  • 4 tbsp. patis
  • Magic Sarap para sumarap

PROCEDURE:

  1. Syempre una sa lahat hiwain ng maliliit yung ampalaya (nasa sayo kung igigisa mo ng buo) hahaha. So, yun nga depende sayo kung gaano kanipis mo siya hihiwain (huwag titingin kung saan-saan baka daliri mo na pala hinihiwa mo. Joke!) Pagkatapos hiwain ng maninipis ibabad niyo lang muna sa tubig, hangga’t hindi pa kayo nakakapagsimulang magluto. Para hindi gaanong bitter si ateng este yung ampalaya.
  2. Hiwain mo na ang dapat hiwain tulad ng kamatis, bawang at sibuyas. Hindi ko na ituturo kung paano idikdik yung bawang, alam niyo na yan. Professional na kayo diyan, parang yung ex niyo na sinaktan at pinaglaruan ka lang pala at paulit-ulit na dinikdik yang puso mo. Hahaha.
  3. Siguraduhin na banlawan mo yung giniling na baboy baka yung taong nanggiling diyan eh, kakagaling lang sa banyo o nangulangot (pasensiya na, sana ganahan ka parin ipagpatuloy itong recipe ko na’to.) 
  4. Ayan, kapag okay na lahat dun na tayo sa how to cook chuvanesnes. Hehehe.

HOW TO COOK:

  • Hindi pa man gutom na ako, hahaha. So buksan muna yung tangke ng gas ninyo syempre hindi ka makakapagluto kung sarado yun. Eh kung yayamanin ka naman, isaksak mo na yang electric stove mo.
  • Gumamit ng kaserola o kawali, depende sayo kung anong meron ka (kung wala, huwag kana magluto.)
  • Kapag nasindihan mo ang kalan mo, ilagay mo na ang kawali o kaserola. Kapag natantiya mo ng mainit na, ilagay mo na ang mantika. Kahit anong mantika pwera yung mantika mo sa katawan, bawal yun ahh (kung poorita ka naman, sige na okay na yang mga tira-tirang mantika mailuto lang itong recipe ko. Hahaha.) 
  • Igisa mo ang bawang, saute saute hanggang sa masunog kasi pa fb fb ka, kasi may ka-chat ka. Hahaha. Pero seryoso, dapat golden brown lang at isunod mo na ang sibuyas. After 1 minute, igisa mo na rin ang kamatis. Takpan mo muna, hanggang sa magkalasug lasog yung kamatis na hindi na kinaya ang sakit ng nararamdaman niya sa sobrang init. Hanggang sa maglabas na siya na sariling sarsa (sana nagegets niyo ahh. Hehehe.)
  • Kapag luto na ang kamatis, isunod niyo na ang giniling na baboy at lagyan ng konting patis at tubig. Takpan mo ulit, hanggang sa lumambot na naman yang puso mo para magpaloko ka na naman duon sa bolero mong jowa este hanggang sa lumambot yung baboy. Hahaha. 8 to 10 minutes of waiting, leche gutom na ako.
  • Ayan na, si bitter na ang next na lulutuin mo sa mainit na kawali. Hahaha. Kapag nailagay niyo na ang ampalaya sabayan niyo na rin na timplahan, kung matabang konting asin. Kung mavetsin ka naman sa katawan, gogogo. Pero ako magic sarap lang para sumarap. Huwag hahaluin, very very light lang. Kasi lalong nagiging bitter kapag pinapansin este hinahalo. 
  • 5 minutes na pagpapakulo at ready to eat na!
  • Hindi ko alam kung ilang servings yan eh, depende yan sa pamilya niyo kung gaano sila kalakas lumamon.
  • Enjoy! 😊

Sana nakuha niyo lahat ng mga sinabi ko ahh. Sana nasarapan kayo sa mga niluluto niyo, dahil ako ay sarap na sarap sa luto ko. Hahaha. Yung mga may diabetes diyan, araw arawin niyo na ang ampalaya. Happy cooking!

XOXO

Advertisements

One thought on “Ginisang Ampalaya sa Giniling na Baboy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s