Recipes

Crab with Misua and Malunggay

Napapadalas ang pagluluto ko ahh, mukha bang pagkain? Hahaha, anyways masarap naman yan kung susundan lahat ng mga steps ko. So, magbasa at sundin mabuti. 

INGREDIENTS:

  • 1/2 kilo alimasag
  • 1 pc. sibuyas
  • 3 cloves bawang
  • 1 pc. itlog
  • 2 pcs. kamatis
  • 1 tsp. asin
  • 3 tbsp. mantika
  • Misua
  • Malunggay ng kapit-bahay
  • Magic Sarap

PROCEDURE:

  1. Banlawan lang muna yung crab o alimasag at ibabad muna sa tubig habang hindi pa nagluluto. Nabili ko lang yan dito sa amin, na naglalako kaya ayan napaluto tuloy ako, mura pa. Hahaha. 
  2. Hiwain mo na ang kamay mo este yung bawang, sibuyas at walang kamatayan na si kamatis (good for the heart naman kasi kaya laging nandyan sa mga niluluto ko. Hehehe.)
  3. Batihin mo na rin yung nag-iisang itlog ng buhay mo.
  4. At yung malunggay naman, hingi ka na lang sa kapit-bahay niyo para tipid. Isa-isahin mo na rin tanggalin sa kanyang mumunting sanga. Huwag kalimutan banlawan, baka labag sa kalooban nung kapit-bahay niyo yung paghingi mo ng malunggay sa kanya. Para mawala ang kanyang bad spirits (pero thank you sa malunggay helenbells, alam ko naman na ako na umuubos ng malunggay mo. Hahaha.) So yun na yun.

HOW TO COOK:

  • Buksan niyo na ang inyong kalan sa medium fire at pagkakulo ng mantika, igisa na ang bawang at sibuyas. Kapag golden brown na, isunod na ang kamatis.
  • At kapag luto na si kamatis, ilagay niyo na si crab. Yung mismong crab na galing sa palengke ahh, huwag yung kapit-bahay niyong may crab mentality na walang ginawa kung hindi manghusga, na akala yata sa sarili eh diyos siya na kilala lahat ng mga nakakausap niya. Laging bida! Itetext ko na si Jollibee na may kapalit na siya. Hahaha.
  • So back to the reality, after 10 minutes. Lagyan niyo na ng tubig yung kaserola depende yan kung sabaw person ka (mga isang timba lagay mo, bahala ka. Hehehe. Joke!) At timplahan mo na rin ng magic sarap para sumarap at asin.
  • Pakuluan mo muna, mag fb fb ka muna. Replayan mo na kung sino man nagtext at nag chat sayo. Baka hiwalayan kana niyan dahil ang tagal mo magreply.
  • Kapag kumulo na, ilagay mo na ang misua at malunggay ni kapit bahay. 3 to 5 minutes na pagpapakulo at pwede nang ibuhos dun sa kabet ng asawa mo. Para matanggal ang kati sa katawan este pwede ng kainin.
  • Enjoy! ๐Ÿ˜Š

    Laging lagyan ng pagmamahal ang niluluto mo para masarapan ang buo niyong pamilya. Enjoy niyo lang, dahil #foodislife.

    P.S. Ako kasi maalat o matabang o matigas pa ang baboy kapag walang pagmamahal eh. Hahaha.

    Advertisements

    Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s