Recipes

Sarsyadong Galunggong

Heto na naman po ako, para sa masarap at mainit-init pa na panahon. Hindi ko alam kung anong tamang bigkas sa niluto ko na yan, sarsyado o sarsado ba, baka t*r*nt*d*. Joke! Bahala na si Batman! Sabi ng mga gumagawa ng sarili nilang kasabihan, kapag marunong ka daw magluto ng sarsyado, magaling ka daw sa k*m*. Anong connect? (kunwari inosente ang lola niyo.) Hahaha. So, umpisahan ko na ang recipe baka kung saan pa humantong ang usapan na’to.

INGREDIENTS:

  • 1/2 kilo galunggong
  • 1/4 cup mantika
  • 10 pcs. kamatis
  • 4 cloves bawang
  • 2 pcs. sibuyas na pula
  • 2 pcs. itlog
  • Magic Sarap

PROCEDURE:

  1. Syempre dapat fresh ang isda na bibilhin niyo, naku naku naku madami diyan na pokpok sa gilid-gilid baka agawin jowa mo tapos bilasa pa kaya ingat-ingat sa pagpili sa isda. Baka maaga kang matsugi kapag nagkamali ka ng pili.
  2. At kapag naka-jackpot kana ng isda na fresh from the pond pa, eh linisin mo na. Tanggalan mo na ng bituka at hasang, kung hindi ka marunong eh gawan mo ng paraan. Pero pag damit ng jowa mo, ilang segundo lang nakahubo na. Kapag nalinisan mo na lagyan mo ng asin. Set a side muna, hayaan mo munang kumapit yung asin para magkalasa yung G.G.
  3. Hiwa-hiwa muna ang pegggg. So nandito na naman po si kamatis na good for the heart kaya hindi masamang araw-arawin, hiwain ng maliliit. Pati ang bawang at sibuyas, hiwain niyo na rin. Laging nagpapaalala na huwag titingin kung saan-saan baka sarsyadong daliri na ang mailuto mo.
  4. Kapag naka prepare na lahat. So, tara lets it’s luto time.

HOW TO COOK:

  • Nakabukas naba ang tangke ng gas mo o nakasaksak na ba ang electric stove mo? Kung wala ka ni isa diyan, nakapag sibak kana ba ng kahoy oh kaya eh nakabili ka naba ng uling? Maraming paraan para makapagluto. Kung tinatamad ka, bili ka nalang dun sa kanto niyo ng lutong ulam. Hehehe. 
  • Painitin na si kawali sa naglalagablab na apoy. At ibuhos na si mantika, hintayin munang kumulo ang mantika para kapag nagumpisa ka ng mag prito eh hindi magdikit dikit si G.G. Siguro naman marunong ka naman magprito diba, kaya hindi ko na ituturo yun sayo. Hampasin pa kita ng kaldero diyan eh (sorry na, mainit kasi eh kaya mainit din ulo ng lola niyo. Hahaha.)
  • Kapag naprito mo na lahat si G.G. Ideretso mo na rin igisa ang bawang sa pinagprituhan mo ng isda (sayang, tipid-tipid din pag may time.)
  • Next is sibuyas, saute saute. Habang nakikinig ng “Versace On The Floor”. Hahaha. After 1 minute, si kamatis na. Takpan mo muna hanggang sa maluto si kamatis. Makipag duet ka muna kay Bruno Mars.
  • Kapag luto na si kamatis, tiplahan mo muna. Lagyan mo ng konting asin at pamatay na magic sarap para sumarap. Syempre dapat tikman mo para matantiya mo yung lasa ng niluluto mo baka itapon lang ng jowa mo yan kapag natikman na niya, tulad ng pagtapon at pagbabalewala sa puso mong nasaktan.
  • Pagkatapos mong matimplahan ilagay mo na ang itlog, siguraduhin na  nakabati na si itlog. Kung f*ck b*y jowa mo, yung itlog na lang niya ilagay mo para hindi na makapambiktima. Joke! Nyahaha.
  • Halu-halo lang hanggang sa maluto yung itlog. At kapag nakita mo ng nagbuo buo na si itlog, ilagay mo na si G.G. Pakuluin mo lang ng 1 minute, then tapos na! Kumain kana alam kong kumakalam na yang sikmura mo.
  • Enjoy!

Oh ano naluto mo ba ng maayos ang special na sarsyasong galunggong? Ako, oo. Heto nga o sarap na sarap ang asawa at mga anak ko. Convo with Bina and Tata “Bina: Sobrang sarap talaga ng luto ni mama noh (nakatingin kay Tata.) “Tata: Oo nga ate, sobrang sarap.” Me: (ang babata mga bolera na. Mga gutom lang ‘tong mga ‘to eh. Hahaha.) Happy cooking, because #foodislife.

XOXO

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s